Quality sa Pandayan

Quality sa Pandayan

Sa haba po ng pila ay nagtungo na po ako sa cubicle upang mag bagger at meron pong isang panauhin na nagbabayad na ng kanyang pinamili na mga supplies para sa kanyang anak. Noong ito po ay pinapunch na ay nakita niya po ang presyo ng notebook at namahalan po si Panauhin kaya naisip niya na ipa-void at papalitan niya na lang po ito. Meron naman pong nakapilang isang panauhin na nag-suggest ng ating Pandayan Yarn notebook. Sinabi niya sa isang panauhin na kung gusto niya ba ng ganitong notebook at maganda naman daw po ito. Pahabol pa niyang sabi sa Panauhin na kapag sa Pandayan ka bumili ay quality ang kanilang mga paninda. Noong narinig ko po ito sa Panauhin ay labis po ang aking tuwa. Meron palang mga Panauhin na nagpapahalaga sa ating mga itinitinda.